Andre Vocalan ’00, Natatanging Rizaleño 2017

19401843_1578682858809469_7286298668375787990_o

Andre Vocalan ’00 ng Angono Balaw-Balaw Restaurant, pinarangalan bilang Natatanging Rizaleño.  Ginanap ang parangal noong Miyerkules, June 21, 2017 sa SM City Masinag sa Lungsod ng Antipolo. Si Andre P. Vocalan ay kinilala sa kanyang kagalingan sa larangan ng Food Entrepreneurship bilang kasalukuyang namamahala ng Balaw-Balaw Food Corporation.

Ang parangal ay iginawad ni Gobernador Rebecca “Nini” Ynares kasama ang editorial board ng Rizaleño Sulo, isang lokal na pahayagan at magasin sa probinsiya. Naging saksi sa parangal kay Andre ang kanyang ina na si Luzviminda, sina Mayor Gerry Calderon, Ma’am Ida Calderon, at Angono Dangal ng Bayan awardee sa Medisina at civic leader Dr. Joel Tuplano.

Ang Balaw-Balaw Restaurant ang isa sa mga unang nagtampok sa culinary arts sa bayang tinaguriang Art Capital ng Pilipinas. Ang artist na si Perdigon Vocalan ang founder nito. Bukod sa isang exotic restaurant, isa din itong gallery museum na matatagpuan sa kanto ng Angono Hi-way at Biga. (Litrato ng Angono Public Information Office)

******
From: Year VII. Issue 8. June 18-25, 2017. ISSN 2244-3851. DTI Registration No. 01987812. Editor: Richard R. Gappi. aRNO: Exponent of Community Journalism.

Advertisements