On the institutionalization of UP-DND Accord

Artists’ Circle Fraternity on the institutionalization of UP-DND Accord:
“Sa panahong naglipana ang red tagging sa bansa, marami sa mga FA students ang naging biktima nito, dahil dito, mariing kinukundena ng UP Artist’s Circle Fraternity ang walang habas na pag-atake nito sa buong komunidad o pamantasan. Nangangamba ang buong kapatiran sa seguridad ng aming mga miyembro at sa kolehiyo kung saan kami nakabase. Higit pa rito, ang kailangan ng isang artista ng bayan ay sining na malaya at mapagpalaya kung saan hindi dinidiktahan ng sinuman ang isang alagad ng sining sa kaniyang mga ililikha.
Hinihikayat ng UP Artist’s Circle Fraternity ang lahat ng mga artista ng bayan na buong tayog na tumindig sa malayang sining. Nangangamba ang mismong Fraternity na maging posibleng panimula ito ng censorship o unti-unting pagkasira ng academic and artistic freedom, kapag nakapasok at nakapanghimasok ang mga armadong pwersa ng gobyerno sa loob ng pamantasan. Ang pag-iinstitutionalize ng UP-DND Accord ay pagprotekta sa buong kampus at kolehiyo ng sining biswal.
Nangangahulugan din ito ng pagprotekta sa mga artista ng bayan at sa sining na iaambag nila kinalaunan sa lipunan, karagdagan, isa rin itong opurtunidad para hikayatin pa ang ibang pamantasan na lumikha o magpa-usbong pa ng mga artistang kritikal at malaya sa kaniyang ginagawang sining dahil ito ang bunga kung ma-iinstitutionalize ang UP-DND Accord, ang magkaroon ng sining na malaya.
Uphold UP-DND Accord! Defend UP!”

#DefendUP

#UpholdUPDNDAccord